Top 5 Tips on Preparing for the NLE

Hi! Malamang ikaw ay kukuhanang nursing board exam this coming December or June (next year) kaya naghahanap ka ng mga paraan kung papaano ka makakapasa. Puwes gumawa ako ng mga 5 tips para sa’yo na sana ay maiapply mo at makatulong sa’yo.

320215_3726493641934_698695417_n

1. COMPLETE ALL THE REQUIREMENTS FOR FILLING

Yes, you should prioritize to complete all the requirements for filling an application for examination. Why it is important? Kasi kung kulang ka ng isa sa mahahalagang documents HINDI KA MAKAKAPAG-EXAM. Like on my case before, late ko na nalaman na hindi pa pala NSO certified ang birth certificate ko tapos malapit na din ang deadline for filling. Super taas ng anxiety level ko nung madiscover ko yun kasi 3 months na kong nagrereview pero may possibility pala na hindi ako makakapagtake kasi kulang pala requirements ko. Buti na lang mabait sakin ang Lord naayos ko agad in just one day. Unlike yung isa kong friend na hindi sya nakapagfile dahil he needs to go back to his birth place na super layo para dun nya ayusin. This is how important to complete all the requirements first kung gusto mo talaga makapagtake.


2. ENROLL IN A REVIEW CENTER

Kung alam mo na ikaw yung tipo ng studyante na kapag nag-aaral mag-isa at nagbabasa ng ating mga makakapal na libro, notes nung lecture days, or mga xerox copies pagkatapos eh nakakatulugan mo lang after a few minutes, I suggest na mag-enroll ka na sa review center. That will help you a lot kasi you will further understand other concepts na hindi mo talaga naiintindihan and most of the concepts na kaylangan mo malaman eh matatackle sa’yo ng mga lecturers lalo na sa mga updates. As much as possible be early and don’t make absences SAYANG ANG MGA DAPAT MONG MALAMAN kaya lang nalate ka or umabsent kaya di mo nalaman, malay mo baka itanong sa’yo yun sa NLE.


3. HAVE A TIME FOR SELF REVIEW

Hindi porket nagrereview ka naman sa review center ng 8am to 5pm eh hindi ka na magrereview pag nasa bahay ka na. I understand na makakaramdam ka ng sobrang sakit ng ulo, pagod, antok dahil sa tagal ng oras na ginamit mo ang utak mo plus ang nakakahilong byahe at amoy ng katabi mo sa pag-uwe kung malayo-layo ang inuuwian mo. Hindi ko naman sinasabi na pagdating mo sa bahay nyo eh magsimula ka na uli magreview kahit super drain na ang utak mo. I suggest na magrelax ka muna, manood ng tv, makipagtext, or mag-internet at iopen ang lahat ng social accounts mo. Pero lagyan mo ng limit at least 2 hours of relaxing eh sapat na para iready ang sarili to explore other stuffs na hindi mo pa alam or hindi mo pa namamaster. I already told you na MOST OF THE CONCEPTS na dapat mo malaman ay ituturo sa’yo ng mga lecturers mo BUT NOT ALL. Sinasabi ko sa’yo the BON will give you so many questions na hindi naituro sa’yo during review but supposedly dapat alam mo dahil BASIC lang yung concepts mga tipong noong first year ka pa eh tinuro na sa’yo pero hindi mo gaanong pinagtuunan ng pansin. Kaya nga MAGSELF REVIEW KA! Para sa huli hindi ka maiinis sa sarili mo at sasabihing “Bakit ba hindi ko nireview un!”


4. BOOSTER YOUR MEMORY

Dahil sa takot kong baka bumagsak ako, I researched something na pwede ko gawin, kainin o inumin na gagawing mala-Einstein utak ko. Definitely wala naman ganon, ang meron lang ay ieenhance ang mga neurons mo so I took Memo Plus for one month before and during the board exam. Sa totoo lang ayoko nainom ng gamot, I feel nauseated every time na nainom ako. But for the sake of passing the board exam syempre gagawi mo ng lahat so I took Memo Plus 2 times a day. Actually may mga time na nag-iiskip sa pag-inom kasi nakakalimutan ko, kaya nung day ng board exam ang dami ko pang tira kaya ang ginawa ko 2 caps ang tinitake ko before and after each set of exams. Hindi ko totally ramdam yung effect pero try mo na rin, wala naman masama.


5. PRAY

Hindi na siguro to bago pa sa’yo, alam kong sa lahat ng niresearch mo sa google na TIPS FOR NLE eh hindi nawawala ang PRAY. On your case may mga Sundays na hindi ka makakapagsimba if you are church goer person. Makakaramdam ka ng katamlayan spiritually, but hindi ka dapat ganon dahil you really needed Him more. Sa kanya galing lahat, kaya kung feeling mo ang dami mong wala: wala kang pamasahe, wala kang baon, wala kang pangbayad sa review, wala kang lakas, wala kang nararamdamang support from your friends or your family, I will say to you na MERON! Huwag kang makipagmatigasan na tipong kayang-kaya mo ang lahat kahit hindi ka lumapit sa Kanya. Lahat tayo makasalanan pero He will still love us. Lahat ng sa tingin mong wala ka eh ibibigay Niya dahil anak ka Niya. Isinakripisyo nga Niya ang buhay Niya para sa’yo eh what more pa kaya para sa katiting na problemang lagi mong dinadala. TRUST HIM, TATAY NATIN SIYA AT TAYO’Y MGA ANAK NYA, KAYA HE WANTS THE BEST FOR US.
“Do not be anxious about anything,
but in everything, by prayer and petition,
with thanksgiving, present your requests to God.
And the peace of God, which transcends all understanding,
will guard your hearts and your minds in Christ Jesus.”Philippians 4:6-7
Kaya ang payo ko talk to Him upon waking up in the morning and before going to sleep and I’m very sure He will do the rest for you, yung tipong mas gaganahan ka pa araw-araw sa pagrereview dahil sa gaan ng pakiramdam mo.
Hope this 5 tips that I made will help you… Gagawa pa ako ng ibang tips during the NLE naman… Don’t forget to leave a comment. God bless you!

By the way here is my story of June-July 2012 NLE.

26 thoughts on “Top 5 Tips on Preparing for the NLE

  1. Gen-zel says:

    I’ve never had a board exam since my course didn’t require us. These tips are helpful though even for those who will take their college entrance exams 🙂

  2. GilCamporazo says:

    Of all the five tips you mention here for NLE exams, number 5 is the best tip for me. I know God answers prayer, a prayer of faith. I have a lot of prayers which the Lord has granted me.

  3. daintychicloila says:

    Great tips! Indeed always pray. Believing yourself and positivity is also needed. And you need to give time your mind to relax too. 🙂

  4. The Web Wanderer says:

    Thank you sweetie for sharing this one!

    Surely this will be a help for those who wish to take NLE. Will forward this one to my cousin who’s an octoberian nursing student. 🙂 thanks!

  5. jsncruz says:

    When I was preparing for the FSOE, I went through a LOT of nervousness. I didn’t feel confident at all. However, making ourselves believe it’s doable goes a long way 🙂

Leave a Reply