June-July 2012 NLE (Nursing Licensure Exam)

While I’m working as a personal secretary in Real Estate nagpaalam ako sa boss ko na kung pwede ay mag-off ako every Saturday and Sunday kasi meron akong review that days and he allowed me. Hindi ako ganun ka enjoy sa in-house review because I felt alone and outcast dahil sila ay Batch 12 ng CSU (Cavite State University) and ako ay Batch 11 pa, hindi din naman ako masyadong kinakausap ng katabi ko kaya most of the time even lunch break eh loner ako… Pero hindi naman sila ang pinunta ko eh ang mahalaga eh magfocus ka sa review. Until dumating yung time nameet ko yung 2 sa kabatch ko na nagaayos ng requirements for filing ng board exam sa may faculty, kahit papano eh natuwa ako dahil may makakasama na ko.

Dun ko lang din nalaman na may problema ang Birth Certificate ko dahil hindi pa pala sya NSO certified and I should go to NSO Main Office to fix it. Di ako nakatulog nung malaman ko yun sa pag-aalalang baka di kagad marerelease ung NSO BC ko and hindi ako makakapagfile kasi 3 days na lang ay filing na. So kinabukasan ay nagpunta ko sa Main Office sa Quezon and super dami ng tao, akala ko hindi ko makukuha agad but luckily narelease din sya that day.
 
By Sunday nagkita-kita kami ng 2 kong kabatch na first time lang din magtitake, kami yung last na nakapagfile dahil pinuntahan pa namin ung mga cases namin sa isang hospital (GEAMH). Nakatapos ako sa inhouse then sa Tagaytay naman ung AIMONE INTENSIVE REVIEW. Everyday na yun kaya nagresign na ko sa work and nagfocused na sa pagrereview.
 
Dumating ang June, 1 month na lang ay Nursing Licensure Exam na so naisip ko mas magdagdag ng effort sa pagrereview I sacrificed yung 2 hours ko sa pagtulog para magreview. Sa isip ko babawi na lang ako ng madaming tulog after the board exam.
1 week na lang malapit na, I bought a reviewer pa (ABC ni RA Gapuz) na nakita ko sa National Book Store kasi ang ganda. Anjan din ung thinking na sana hindi matuloy ang NLE, magkaron pa ng extension o di kaya ay huwag na lang akong kumuha. Feeling ko kasi hindi pa ko handa na parang ang dami ko pa dapat pag-aralan. June 27 birthday ko and last day ng pre-board exam namin, isa lang ang birthday wish ko ang ipasa nya ko at ang mga friends ko. Hindi maganda ang result ng pre-board ko kaya super nadepressed ako, na baka ganun din ang kalabasan sa tunay na board exam.
 
2 days left, hindi ako nakatulog the night before kami umalis papuntang Lucena City. Super taas ng anxiety level ko talagang to the fullest. Wala na kong ibang malapitan pa kundi ang Lord na lang, He told me this verse on the bible Matthew 8:26 “You of little faith, why are you so afraid?” and that moment gumaan ang pasan-pasan kong kabigatan.
 
Ayan na board exam na, chillax lang ako sa pagpifill-up ng forms, and tanung lang ng tanong sa proctor kapag may hindi ako naiintindihan. At eto na magsasagot na, NPI Fundamentals of Nursing may computation na ng IVF (Intravenous Fluid) at conversion ng temperature aw alam ko mali ako ng sagot sa Farenheit to Centigrade! I forgot the formula buti na lang nag-iisa lang yun. I was the last person na nagpass ng paper sa proctor. Nakita ng kasama ko na ang gamit kong calculator ay sci-cal sinita nya ko hindi daw pwede yun, kaya everytime na kailangan ko ng calcu patago ko na lang syang ginagamit.
 
NPII MS na ang mga tanong ay mga sakit na hindi karaniwan na kahit ilang ulit pa na tinuro samin ay hindi ko lubos maunawaan. I was asking the Lord na bakit ganun ang mga tanong parang ayaw Niya naman ata akong ipasa. And again, ubos na naman ang 2 hours ko sa pagsasagot. Paglabas ko ng room kinamusta ako ng karoomate kong Batch 12 ng CSU. Kilala ko siya as a genius student, syempre I told him the truth na nahirapan ako and he told me naman na nadalian lang siya. Oh my! Mas lalo kong naiiyak. T.T
 
NPIII skip lang ako ng skip sa mga tanong na hindi ko alam, 20 items ang iniskip ko and masyadong nagfocus sa ibang tanong. Hindi ko na namalayan at sa mga minutong nakakatulog ako eh 20 mins na lang ang natitira pero almost 60 items pa yung sasagutan ko. Every question na sasagutan ko eh hinihingi ko na lang sa Lord ang sagot. Yung tipong isang mabilisan na scan sa tanong and then sagot agad and then next question ule hanggang sa matapos ko ang exam.
 
Outside the testing area nagtatanungan sila ng sagot, I was so hopeless, bakit? Sila magkakapareho ng sagot ako iba ang sagot sa kanila. Hindi ko na napigilang umiyak hanggang sa jeep pabalik ng hotel eh hindi tumitigil ang paglabas ng luha sa mga mata ko.
 
2nd day ng exam sa Lord pa rin galing ang mga sagot ko. Super nahirapan talaga ko. Super hopeless wala na ko masabi pa.
 
And pagkauwe ko sa Cavite tinanggap ko na sa sarili ko na bagsak ako. Ipinakilo ko yung mga practice questionnaires ko dahil may mga tanong dun na itinanong din sa board exam na hindi ko pinagtuunan ng pansin nuon. Itinira ko lang ung mga Lecture Aids and books. Nagstart uli ako sa pagrereview thinking na pag nagretake ako eh sure na papasa na ko and nagbrowse din ako sa net ng mga review centers na malapit lang samin para makatipid ako.
 
 
Everytime talaga na maaalala ko ang NLE automatic na tutulo ang luha ko. Nagsisisi na bakit pa ko kumuha ng exam sana hindi na lang para hindi ako nababaliw ng ganito. I changed my name and profile picture sa FB dahil ayokong isearch ng ibang tao kung pasado ba ako. Dumating ang point na hindi ko na kinaya ang pag-iisip so I asked Him, “Lord, please sabihin mo na kung pasa o bagsak ako para maihanda ko po ang sarili ko” and He answered me na to still trust Him and do not fear. So ayun itinigil ko na ang kahibangan ko sa pagrereview at pagiisip ng kung anu-ano. But still everytime na may mangangamusta sakin about the exam ang sasabihin ko “mahirap po”, pasa ba? “ewan ko po”, kelan ba lalabas ang result “wag nyo na lang po abangan”. In short, nakakaramdam pa rin ako ng kaba.
 
August 23, 2012 natanggap ako sa inapplyan kong trabaho, and habang pauwe ako a friend texted me na ngaun na daw ilalabas ang result. Kaya naman biglang lumakas ang heart beat ko. 2 hours after that nagtext uli syaui riza, congrats! RN na tau!” and napaiyak ako and paulit2 na nagpapasalamat sa Lord sa di ko mapaniwalaang resulta. I know it’s Him na katabi ko Siya nung time na nahihirapan na ako at itinuturo sakin ang mga sagot.
 
 
worth it ang
paglalaan ng mahabang oras sa review
pagpupuyat
paggising ng maaga
paghihintay ng 30 mins-1 hr sa highway para lang makasakay ng bus
pagtayo sa bus kc no choice dahil super late ka na
pagrereview sa bus nakaupo man o nakatayo
-pagbenta ko ng 2 kong cp dahil wala na kong budget
 
 
SUPER THANK YOU LORD FOR GRANTING MY PRAYER!
YOU ARE SO GOOD!
TO YOU ALL THE GLORY AND HONOR!
 
Thank you rin sa AIMONE Review Center
sa kasipagan nyong ituro ang lahat ng dapat namin malaman
 
Thank you sa family, batchmates and friends ko
sa support and prayers
 
Congrats din sa mga kabatch ko (Batch ’11) na nakatabi at nakasama ko sa review and sa wakas RN na din tau…
Nahuli man ay nakamit din natin ang ating tagumpay…
 
At sa iba kong friends na hindi pa nagrant ang panalangin continue to pray… Nothing is impossible to Him… I will pray for your upcoming success… ^_^
I selected this post to be featured on Blog Nation. Please visit the site and vote for my blog!

50 thoughts on “June-July 2012 NLE (Nursing Licensure Exam)

  1. GilCamporazo says:

    Congratz for passing the NLE. Alam ko kayang kaya mo. Napaiyak ka lang dahil me dahilan na ikaw lang ang nakakaalam.

  2. Franc Ramon says:

    Congrats! Pag board exam talaga, pag may crown na nagtatanungan ng sagot, lumalayo na lang ako. Tapos na yun eh. Dumaan din ako sa CPA exams dati tapos 13% lang passing namin though nakapasa naman pero andyan pa din syempre yung kaba.

  3. Ganessa says:

    Wow congrats! I feel you. I am also a registered nurse and the time during review was filled with fear. Kulang na lang puntahan lahat ng simbahan at sindihan lahat ng kandila and the months after the exam while waiting for the results ay mas lalong nakakakakaba. Well, kudos to us!

  4. Jonas Ignatius Labagala says:

    Congratulations! I read the whole story and your journey to be an RN is one example of what a person should be. And the best part, you’ve trusted our Lord God for everything and let Him do the rest because He knows you deserve this.

    Again, congratulations! 😀

  5. Rochkirstin Santos says:

    Congratulations on your success! May the good Lord bless and keep you moving forward. Just trust in Him and everything would go smooth-sailing. 🙂

  6. Francis Balgos says:

    OMG! I feel you here.
    This is such a heartfelt post about your own personal feelings.
    Hindi man ako nursing grad, wala ding board yung course ko.
    I know of a lot of friends who had been through such crucial point in their life.
    What can I say? Congratulations for making it! 🙂

  7. Fina Jenny says:

    congratulation for passing the exam… hindi ko alam ang kaba ng mga taong nagtatake ng exam kasi walang board ang course ko. pero alam ko na yung dalawa kong kapatid ganyan din ang kaba when they took their exam 🙂

  8. Mai_Flores says:

    Congrats sa pagpasa ng exam! I actually know someone who had to take the nursing board exams twice, and failed. Sayang lang kasi di na siya sumubok ulit.

  9. algene may cutamora says:

    Congratulations for another achievement. You must be really proud of what you achieved. More success for you 🙂

  10. Pehpot Pineda says:

    congrats Riza!

    sa kwento mo ramdam na ramdam ko ung anxiety at kaba mo.. and though hindi tayo magkakilala, I am happy for your achievement 🙂

  11. Serene Shikukeza says:

    Congrats fellow RN! I know the anxiety you have been through! At least your anxiety days are over now. Your test Qs are way different from ours na. Grabe tanders na ata ako lol. I must say I missed being a nurse and I miss MMC and my open heart patients.

  12. chemist2writer says:

    Congratulations! It is nice to see all those puyat nights paid off and you are now a licensed nurse 🙂 I know the feeling of utmost happiness when passing the board exam 🙂 good luck on your future 🙂

  13. papaleng says:

    Sa paglalahad mo ay kitang-kita ang kaba sa iyo. To tell you the truth papasa ka talaga Why/ You have done your part and God knows your real motive in taking that exam. And He granted your heart’s desire. Ang formula Do your best and let God handles the rest.

    Ask ko lang anong Christian denomination mo?

  14. Yamito Uytingco Calamba says:

    You know what they say… sometimes, its not about the journey, but the destination. Congrats, Riza! 🙂

  15. maritel says:

    Good for you! So are you working as a nurse now? I hope so but if not, it’s okay because you can be what you want to be.

  16. Ganessa says:

    Kudos (from the Ancient Greek: κῦδος) is acclaim or praise for exceptional achievement. -wikipedia 🙂

  17. Michelle says:

    “2nd day ng exam sa Lord pa rin galing ang mga sagot ko.” <—– this statement got me 😀 Gave me goosebumps. Wala talagang imposible kay God. Congrats, Riza!!! Reading your post inspired me 🙂

Leave a Reply